LET Reviewer in Filipino Part 3

LET Reviewer in Filipino Part 3

LET GENERAL EDUCATION FILIPINO REVIEWER
(Correct answers may be provided upon request)

Idyomatikong Pagpapahayag

1. May prinsipyo si Daves, kaya nang mabalitaan niyang may tali sa ilong ang kanyang kaibigan dahil sunud-sunuran sa lahat ng ipinag-uutos ng kanyang hepe, pinangaralan niya ito.
        a. nasa ilalim ng kapangyarihan                  c. kulang ang pagkalalake
        b. di makahalata                                 d. walang iisang salita
2. Ang lihim na  kanyang iniingatan ay nabunyag dahil siya ay nahuli sa kanyang  sariling bibig.
        a. tismosa                                  c. pagiging totoo
        b. sa sariling bibig nagmula ang katotohanan           d. di marunong magsinungaling
3. Talagang sakit ng ulo ang pag-aasawa nang wala sa panahon.
        a. masasakitin ang ulo c. malaking sulirain o alalahanin
        b. di nag-iisip                     d. mahirap isipin
4. Ang taong may krus sa dibdib ay pinagpapala ng Diyos.
        a. maunawain              c. maka-Diyos
        b. mapagmahal              d. mapagpatawad
5. Pagdaan ng mga taon, saka mo pa lamang makikita na may pileges ang noo mo.
        a. nagiging bata muli            c. maraming problema
        b. nagiging isip-bata               d. matanda na
6. Paano ko maiintindihan ang kanyang ulat, e boses-ipis siya.
        a. mahina ang boses           c. di marinig magsalita
        b. di makarinig            d. a at c
7. Galit ako sa mga istudyante parang kampana ang bibig sa loob ng klase.
        a. tulad ng tunog ng kampana ang boses c. malakas ang boses
        b. mukhang kampana                           d. malaki ang bukas ng bibig kung magsalita
8. Bukod sa pagtuturo, nais ibuhos ni Miguel ang isip sa pagguhit.
        a. ituon ang isip             c. mag-isip nang mag-isip
        b. ubusin ang panahon d. maging malikhain
9. Kaya matumal ang paninda mo ay isang bakol ang mukha mo. Ngumiti ka naman.
        a. nakakunot ang noo         c. malungkot
        b. nakangiwi                     d. nakasimangot
10. Lumuha ka man ng bato, di na maibabalik ang buhay ng iyong ama.
        a. matinding panangis c. di matinag
        b. di makaiyak o makaluha d. wala ng pakiramdam
11. Madali kasi siyang napakagat sa pain.
        a. naloko                          c. napahanga
        b. napakain                       d. magkakilala
12. Madali nilang nakamit ang tagumpay, magkataling-puso kasi sila.
        a. magkaibigan              c. mag-asawa
        b. magkasundo              d. magkakilala
13. Di niya matanggap ang kasawiang-palad na inabot ng kanyang pamilya.
        a. aksidente                   c. naputulan ng kamay
        b. kamalasan                   d. nawalan ng kuryente
14. Magkasundong-magkasundo sila sa lahat ng bagay, pano’y kumakain sila sa iisang pinggan.
        a. magkaibigan         c. magkasundo
        b. ayaw maghugas ng pinggan          d. magkasama sa iisang bahay
15. Umuwi siya isang gabi na parang lantang bulaklak.
        a. walang lakas         c. nawalan ng puri
        b. hinang-hina           d. nanlalata
16. Di dapat silang magsama dahil sila ay parang langis at tubig.
        a. may sama ng loob c. mainit ang dugo sa isa’t isa
        b. di magkasundo         d. magkaaway
17. Ayaw kong maniwala na kaya nakakuha siya ng mataas na marka sa pagsusulit ay dahil dinuktor ito ng iba.
        a. minalian                 c. inayos sa pamamagitan ng pandaraya
        b. winasto kahit mali d. ipinawasto sa iba
18. Talagang tabla ang mukha mo. Di mo man lang iniisip na ako ang nagpasok sa iyo sa trabaho. Bakit mo ako siniraan sa ating Boss?
        a. walang munti mang kahihiyan c. mahiyain
        b. mukhang tabla ang mukha d. walang utang na loob
19. Kaya nagmamagandang –loob si Paulo ay dahil naghuhugas siya ng kamay. Huwag mo siyang paniwalaan.
        a. takot magkaroon ng kasalanan sa ibang tao
        b. nagbayad ng kasalanan sa isang tao
        c. humihingi ng patawad nang di-tahasan
        d. umiwas magkaroon ng pananagutan sa isang naganap na pangyayari
20. Ngayon lang ako nakakita ng labanang ngipin sa ngipin.
        a. walang ayawan                   c. gantihan nang ubos-kaya
        b. ubusan ng lahi                   d. lakas sa lakas






Comments   

Add comment

Featured Article


Site Counter

Total online: 1
Guests: 1
Users: 0
______________________________
______________________________
Flag Counter

Our poll

Rate my site

Things to ponder

Advertisements

Link Exchange

Advertisements