36. Ito ay tawag sa mga katagang na, ng
at g na ginagamit sa pagitan ng dalawang salitang ang isa ay naglalarawan at
ang isa po ay inilalarawan.
a.
Pangatnig b.
Pang-ukol c.
Pang-angkop d. Panghalip
37.
Ito ay bahagi ng pananalitang nagsasabi kung saang pook o bagay ang
pinag-uukulan ng kilos, gawa, balak o layon.
a.
Pang-ukol b. Pandiwa c. Pang-abay d. Pangatnig
38.
Ito ay kataga, salita o grupo ng mga salitang nagpapakita ng pagkakaugnay ng
isang salita at isa pang salita at ng isang kaisipan sa isa pang kaisipan.
a.
Panghalip b.
Pang-ukol c.
Pangatnig d.
Pang-angkop
39. Ito ay uri ng panghalip na ginagamit sa pagtuturo ng tao, hayop, pook o gawa.
a.
Panawag b.
Pamatlig c. Paari d. Paturol
40. Ito ay lipon ng mga salitang walang buong diwa.
a.
sugnay b.
parirala c.
pangungusap d. salita
41. Ito ay binubuo ng dalawang kaisipang pangungusap na pinag-uugnay ng pangatnig.
a.
tambalan b. payak c. hugnayan d. langkapan
42.
Ito ay isang sining na ipinahahayag sa sariling wika ang anumang nasusulat sa
a.
panghihiram b.
asimilasyon c.
pagsasaling-wika d. pagdadagdag
43.
Ito ay pinakamabilis na paraan ng pagpapayaman ng salita.
a.
Pagsasalin b.
Panghihiram c. Dyalektal d. Pagsasaling-wika
44.
Ito ay tawag sa pag-aaral ng mga morpema ng isang wika at ng pagsasama ng mga
ito upang makabuo ng salita.
a.
semantika b.
ponolohiya c.
morpolohiya d. ponema
45.
Ito ay tungkol sa pag-aaral ng set ng mga tunog na bumubuo ng mga salita sa
isang wika.
a.
ponolohiya b.
segmental c.
suprasegmental d. ponema
46. Ito ay salitang
nagtataglay ng pantig at malapatinig na w at y.
a.
malapatinig b. katinig c. pang-uri d. diptongo
47. Ito ay isang sambitlang
may patapos na himig sa dulo.
a.
pangungusap b. parirala c. sanaysay d. diwa
48. Ito ay magkakabit na
dalawang magkaibang katinig sa isang pantig.
a.
panghalip b.
pangngalan c. klaster d. katinig
49. Pangngalang tumutukoy
sa pangkalahatang diwa.
a.
pantangi b.
pambalana c. pang-uri d. pangngalan
50.
Ito ay nabubuo kapag ang ponema ay pinagsama at maaaring makabuo ng maliit nay
unit ng salita.
a.
morpema b. almorp c. leksikal d. kayarian
51.
Ito ay binubuo ng dalawang magkaibang salitang pinag-iisa at may dalawang morpemang malaya.
a.
pangngalang pantangi c.
pangngalang pambalana
b.
pangngalang tambalan d.
lahat ng ito
52.
Ito ang tawag sa pagitan ng dalawang babagtingang pantinig na dinaraanan ng
hangin.
a.
glottal b.
glottis c.
leksikal d.
pares minimal
53.
Ito ang taas-baba na iniuukol sa pagbigkas ng isang salita upang higit na
maging mabisa ang ating pakikipag-usap sa kapwa.
a.
tono b.
awit c.
diin d.
lapat
54.
Ito ay dalawang salitang pinagsama-sama para makabuo ng isa lamang salita
a.
gitlapi b.
unlapi c. tambalang salita d. pangungusap
55.Ito
ay pares ng salita na magkaiba ng kahulugan ngunit magkatulad sa bigkas maliban
sa isang ponema sa makatulad na posisyon.
a.
pares ng salita b. klaster c. minimal d. pares minimal
Comments
2014-08-07
2014-06-04
2014-05-26
2014-05-18
2014-04-12